Tigil-pasada sa Lunes, tuloy pa rin sa kabila ng suspension ni LTFRB chair Guadiz

Hindi raw mahihinto ng suspension ang ikakasang tigil-pasada ng grupong MANIBELA.

Ayon kay MANIBELA national president Mar Valbuena – kahit na sinsuspinde na ni Pangulong Bongbong Marcos si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) chair Teofilo Guadiz – tuluy na tuloy pa rin ang kanilang transport strike simula sa Lunes.

Idiniin ni Valbuena na hindi sapat ang ginawang pag-suspend sa LTFRB chief lalo na’t marami pa raw mga nananatiling nakaupo sa puwesto ang sangkot sa anomalya sa tanggapan.

Kung maaalala – unang isiniwalat kahapon ng dating executive assistant ni Guadiz ang umano’y ‘lagayan’ sa LTFRB.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *