Tinatayong museleo sa isang sementeryo sa Tayabas City, pinasok ng limang lalaki; Isa sa mga suspek, napatay

Patay ang isang lalaking suspek umano sa pagnanakaw sa isang tinatayong museleo sa isang sementeryo sa Tayabas City nitong Martes, Enero 16.

Ayon sa inisyal na report, nagising umano noon ang 23-anyos na caretaker at naaktuhang ninanakaw ng limang (5) mga suspek ang isang (1) speed cutter at mixer machine.

Nagpaputok umano ang isang suspek gamit ang airgun na siyang tumama sa ulo ng biktima kung kaya sinaksak niya ang nasawi sa leeg bilang depensa.

Agad na binawian ng buhay ang suspek habang ang biktima naman ay isinugod sa hospital para malapatan ng lunas matapos magtamo ng mga injury.

Sa ngayon, patuloy ang isinasagawang masusing imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa insidente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *