TOG2, inanunsyo na hindi na tatanggap ng aplikante mula april 6, 2022 para sa paf qualifying examinations

Inanunsyo ng Tactical Operations Group 2, Philippine Airforce na hindi na sila tatanggap pa ng mga aplikanteng sasabak sa Qualifying Examinations mula sa araw ng Miyerkules, April 6, 2022.

Ayon sa TOG 2, ito ay makaraang nakamit na ng kanilang processing center ang target na 1,200 na aplikante.

Inihayag na umano ng PAF Human Resource Management Center na ang unang 1,200 examinees lamang ang tatanggapin kung saan nakabase ito sa inisyu sa kanila na control number at examination permits.

Matatandaang binuksan ng TOG2 processing Center ang aplikasyon ng mga indibidwal na mula sa Nueva Viscaya, Isabela, Cagayan, Kalinga, Apayao at Ifugao para sa mga nais mapabilang sa hukbong panghimpapawid.

Samantala, ang mga PRC Licensed, Civil Service Professionals at Licensed Criminologists na exempted sa pagkuha ng AFPSAT at PAFGCT examination ay maaari paring magpasa ng kanilang mga requirements hanggang April 8, 2022.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *