Tokyo-bound EJ Obiena, wagi ng silver medal mula sa kompetisyon sa Poland

Pinaigting ng pole vaulter na si EJ Obiena ang kaniyang preparasyon para sa darating na Tokyo Olympics sa pamamagitan ng panibagong record-breaking effort nito na nagbigay sa kaniya ng silver medal sa Irena Szewinska Memorial-Bydgoszcz Cup sa Poland.

Nagawa ng 25-anyos na si Obiena na mag-vault hanggang 5.87 meters na dahilan upang mabasag nito ang 5.85m record nito sa Jump and Fly meet sa Mossingen, Germany noong isang buwan na ang nakararaan.

Sinubukan ng Southeast Asian Games gold medalist at record-holder na maabot ang 5.92m upang manatili sa kompetisyon at magpataas muli ng record.

Gayunman, nabigo si Obiena na gawin ito sa loob ng tatlong attempts.

Nakuha ng American champion na si Christopher Neilsen ang ginto sa naitala niyang 5.92m habang ang Polish naman na si Piotr Lisek ang nakakuha ng bronze sa nagawa nitong 5.82m

Mababatid na nakalaban ni Obiena sa kompetisyon ang 2016 Rio Games gold medalist na si Thiago Braz ng Brazil na nauwi sa ikaapat na pwesto at ang dating world champion na si Pawel Wojciechowski, na nakatungtong sa ika-walong pwesto.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *