Rank No 10 Municipal most wanted person sa bayan ng Basud arestado

CAMARINES NORTE- Naaresto kahapon ng umaga ang ika- sampu sa listahan ng Municipal Most Wanted Person sa bayan ng Basud, Camarines Norte.

Kinilala ang akusado na si Rolly Fuentes y Pacon 37, may asawa, isang foreman at residente ng Barangay Lidong, Basud na naaresto sa Metro Park Village, Barangay Magang sa bayan naman ng Daet.

Ginawa ng mga operatiba ng Basud Municipal Police Station ang pag aresto kay Fuentes sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Ralph Arrellano ng Regional Trial Court Branch 132 sa Naic, Cavite dahil sa kasong paglabag sa Republic Act 9262 o Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004.

Nagrekomenda ang hukuman ng halagang P72,000.00 na piyansa para sa pansamantalang paglaya ng akusado na sa kustodiya ngayon ng Basud MPS para sa kaukulang disposisyon.

Muli namang binigyang diin ng pamunuan ng Camarines Norte PPO na ayaw nitong gawing kanlungan ng masasamang loob ang probinsiya lalo na raw ng mga taong umaabuso sa kababaihan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *