Transport workers nakatalaang bakunahan vs. Covid-19 ngayong linggo-LTFRB Bicol

Nagpalabas na ng abiso ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board Regional Office V sa isasagawang 2 araw na pagbabakuna sa transport workers sa Bicol Region.

Ayon sa impormasyon ng LTFRB Bicol, kasama sa target na mabakunahan sa Octobre 28 hanggang 29 o sa darating na webes at byernes, ay ang mga drivers, Operators, Dispatchers, konduktor, meckaniko at iba pa.

Samantalang ang magiging venue naman ng pagbabakuna ay isasagawa sa isang malaking mall sa lungsod ng Legazpi.

Kung maaalala, ang transport sector ay matagal nang nanawagan sa Department of Health na maisama sa prayoridad na mabakaunahan dahil sa araw-araw itong nakikisalamuha sa mga pasahero at maaaring malagay rin umano ang sarili sa peligro dahil sa Covid-19.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *