3 mangingisda sa Pandan, Catanduanes, ligtas na na-rescue ng PCG matapos masira ang sinasakyang bangka sa gitna ng laot

BNFM BICOL—Tatlong mangingisda mula sa bayan ng Pandan, Catanduanes ang ligtas na na rescue ng Philippine Coastguard matapos na masira ang sinasakyang bangka ng mga ito habang nasa laot.

Batay sa inisyal na ulat ng PCG, inabot ng apat na oras ang kanilang isinagawang search and rescue operation, bago natunton sa gitna ng karagatan malapit sa bisinidad ng Benham Rise ang tatlong mga mangingisda na kinilalang sina Romeo Bernardo; Freddie Lubiano at Glen Lopez, pawang mga residente ng nasabing lugar.

Kwento ng mga biktima, nagkarooon ng engine trouble ang kanilang sinasakyang bangka habang pabalik na sana sa Brgy. Napo ng nasabing bayan, matapos na mangisda sa bisinidad ng Benham Rise.

Nang inspeksyunin ng PCG, napag-alaman na nakapasok ang tubig dagat sa engine fuel, na naging sanhi ng pagkakaroon ng aberya sa makina nito.

Samantala, batay sa isinagawang initial health assessment ng PCG sa tatlong mangingisda, nasa maayos naman umano ang mga itong kondisyon at ligtas na nakauwi sakanikang pamilya.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *