Transportasyon sa upper barangay ng Naga City lalo na kung gabi inirereklamo ng mga benipisyaryo ng housing settlements

NAGA CITY – Inirereklamo ng ilan sa mga bagong benipisyaryo ng Housing Settlements Programs ng LGU-Naga ang sistema ng transportasyon sa upper barangay ng lungsod lalo na iyong mga estudyante at empleyadong umuuwi kung gabi dahil sa halos wala ng masakyan, kung meron man sa habal habal na lamang at iba pang kolorom na may special price sa pamasahe, mas mahal ika nga.

Ang problemang ito ang matagal-tagal na ring ipinarating sa konseho na ngayon ay isa sa tinututukan na maresolba sa pamamagitan ng pagbibigay ng prangkisa sa ilang mga trimobile na mamasada.

Sa pahayag naman ni City Councilor Jessie Albeus, chairman ng Housing Settlements Committee, sinabi niya na isa ito sa dahilan kung bakit may mga nabigyan ng lote sa upper barangay ang ayaw pa ring tumira doon at pinili pang maging squatter muli at tumira malapit sa sentro ng lungsod.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *