Investigation team, binuo para malaman ang sanhi ng pagbagsak ng PH Navy chopper

May binuo nang investigation team na tututok sa sanhi ng pagbagsak ng isang helicopter ng Philippine Navy kahapon sa Cavite City.

Sa panayam ng Brigada News FM Manila kay AFP Spokesperson Col. Francel Margareth Padilla, sinabi nitong ang investigation team ay nabuo kahapon mula sa Naval Air Wing.

Samantala, sinabi ni Col. Padilla, na magkakaroon ng arrival honors sa dalawang miyembro ng Philippine Navy na nasawi sa insidente sa libingan ng mga bayani ngayong araw.

Nagpaabot na rin ng pakikiramay si AFP Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr. sa mga kaanak at pamilya ng dalawang nasawing piloto.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *