Tricycle driver sa Naga city na deboto ni inang Peñafrancia hindi muna bibiyahe ngayong Traslacion Procession

NAGA CITYTiyak na bawas ang bilang ng mga mamamasadang trimobile sa Naga City, dahil sa mangyayaring taunang Traslacion Procession para kay Divino Rostro at Inang Peñafrancia ngayong araw na Biyernes Set. 8, 2023.

May mga driver kasi na lalahok sa traslacion dahil mga deboto sila nina Divino Rostro at Inang Peñafrancia na dadalhin na ang imahe sa Naga Metropolitan Cathedral . 

Nakapanayam naman ng Brigada News FM Naga si Gil Belen, Barangay kagawad At Federation President ng Trimobile Operators Drivers Association mat nabanggit niya na hindi naman niya mapipilit na huwag kumayod dahil sayang naman ang kikitain.

Ang regular fare sa trimobile sa lungsod ay 13 piso lamang, depende sa lugar at depende na rin sa agreement ng driver at ng pasahero.

Kasabay nito pinaalalahan naman iyong mga bibiyahe na maging mabait sa kanilang pasahero, huwag abusuhin lalo na sa pagpataw ng mas mataas na pamasahe.

Ayon kay Belen, ilang meeting ang ginawa nila at napag-usapan ang mga dapat na maging pag-uugali ng mga driver, na umiwas sa anumang paglabag sa City Ordinance hinggil sa tamang pagtrato sa mga pasahero.

Sa mga pasahero naman, hangad ng opisyal na maging mabait naman sa kanilang mga driver, kung may problema mahinahong pag-usapan na lamang para hjindi na lumala pa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *