‘Trigger period’ na basehan para sa pagbibigay ng fuel subsidy, planong paikliin

Iniatas ni Pangulong Marcos na baguhin ang probisyon ng fuel subsidy sa General Appropriations Act of 2024.

Sa Press Briefing sa Malacañang, sinabi ni DOE secretary Raphael Lotilla na, nais ng Pangulo na gawin na lang isang buwan ang “trigger period” na basehan sa pagbibigay ng fuel subsidy mula sa dating 3 buwan.

Ang trigger period ay kapag lumagpas ang Dubai price per barrel sa 80dollars.

Ibig sabihin, hindi na kailangang antayin ang 3 sunod-sunod na buwan bago mag desisyon ang gobyerno na bigyan ng fuel subsidy ang transport sector.

Isa daw ito sa mga paraan ng gobyerno, para maibsan ang patuloy na pag sirit ng presyo ng produktong petrolyo.

Pero nilinaw ng DOE na one time bigtime pa rin ang fuel subsidy, at posibleng isang beses pa rin ito kada taon.

Maliban naman sa pagpapaikli ng trigger period pinasisimplehan din ng Pangulo ang mga release requirements.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *