SP iimbestigahan ang naitalang namatay sa MotoAd, organizer dapat umanong mag bigay ng tulong kahit na may waiver

Iimbestigahan ng Sanggunian Panlalawigan ng Sorsogon ang mga aksidente sa Motor Adventure o MotoAd na isinagawa nitong linggo.

Sa motion ni 2nd District Board Member Johny Guysayko, iimbestigaahan ng kanilang komite ang nasabing aktibidad, kung ano ang mga pagkukulang ng mga organizers at riders na nag resulta ng pagkamatay ng isang rider sa Diversion Road Sorsogon City.

Ayon naman kay 1st District Board Member Edmundo Atutubo, kasama sa tatalakayin ang pananagutan at tulong na dapat ibigay ng mga organizers kahit na may waiver ang mga riders.Lalong-lalo na umano sa naitalang namatay na rider.

Matatandaan na dead on arrival sa ospital ang 62 taong gulang na rider na si Rodney Apostol Paras matapos na sumalpok ang minamaneho nitong motor sa isang pampasaherong tricycle matapos mag overtake ito sa isa pang rider.

Agosto nitong buwan nang muling magpaalala ang SP sa mga guidelines na nakapaloob sa Provincial Ordinance No. 14-2023 patungkol sa pagsasagawa ng Motor Adventure, motor endurance at motor competition o exhibition.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *