Truck na may kargang mga feeds naaksidente, isa patay

Naaksidente ang isang ten wheeler truck sa may bahagi ng Govic Highway, Mangan-vaca, Subic, Zambales kagabi.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Subic MPS, galing ng Bulacan patungo sana ng bayan ng Masinloc, Zambales ang truck para magdeliver ng mga karga nitong feeds.

Ayon kay PSMS Roel Manalo, chief investigator, base umano sa kanilang pakikipag-usap sa pahenante ay nawalan ng ito ng kontrol.

Nahulog ang truck sa may banging bahagi ng lugar, dahil sa aksidente ay nasawi ang driver nito na kinilalang si Rodel Flores ng Valenzuela City habang ang kanyang helper na nagtamo ng injuries ay isinugod sa pagamutan.

Kaugnay nito, naimpaalam na rin umano sa pamilya at may-ari ng truck ang nangyaring aksidente.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *