Tubig sa pamosong “Grand Canal” sa Venice, Italy nagkulay berde

IKINAGULAT ng mga residente  at turista sa Italy ang biglaang pagkulay berde ng tubig sa  sikat na “Grand Canal” sa Venice.

Batay sa ulat, agad na nagpatawag ng mga otoridad ang nangangasiwa ng nasabing pook pasyalan matapos na ipagbigay alam ng mga residente malapit sa Realto Bridge ang insidente nitong Linggo ng umaga.

Agad namang kumuha ng water sample ang regional environmental protection agency ARPAV para matukoy ang klase ng kemikal o anumang substance na naging dahilan ng pagbabago ng kulay ng tubig.

Gayunpaman, una nang sinabi ng mga otoridad sa lugar na hindi magdadala ng anumang panganib sa kalusugan ng mga lokal na residente ang pagbabago ng kulay nito.

Sa kasalukuyan, wala pang indibidwal o grupo ang umaamin na sila ang posibleng nasa likod ng insidente.### JUMEL DELA ROSA (AFP, Reuters, AP)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *