Tuguegarao City, isasailim sa 10-Days ECQ simula August 12, 2021

Isasailalim sa Enhanced Community Quarantine o ECQ ang Tuguegarao City sa loob ng 10 araw na magsisimula 12:01AM ng August 12, 2021 hanggang 12MN ng August 21, 2021.

Ito ay layuning makontrol ang pagkalat ng COVID-19 sa siyudad matapos makapagkatala ng mataas na Average Daily Attack rate na 31.80% na pinakamataas na ADAR mula sa mga probinsiya at lungsod sa buong Region 02.

Naitala rin sa lunsod ang 9 na nasawi sa isang araw.

Kaugnay nito, inilabas ang Executive Order No. 98 na nilagdaan ni Mayor Jefferson Soriano bilang mga paunang panuntunan ng LGU sa ilalim ng ECQ status ng lunsod.

Inaabisuhan ang publiko na manatili lamang sa kanilang mga bahay dahil tanging essential travels lamang ang pinahihintulutan.

Istrikto pa rin na oobserbahan ang paggamit ng covid shield control pass habang ang mga kawani ng gobyerno, frontliners, at mga miyembro ng academe ay maari na lamang i-presenta ang kanilang mga ID.

Pinahihintulutan pa rin ang backriding ngunit kailangan ng barangay certification na magsasabing ang driver at sakay nito ay nakatira sa iisang bahay lamang.

Pansamantalang suspendido rin ang operasyon ng kahit anumang public transportation.

Mahigpit ding ipatutupad ang liquor ban at ipinagbabawal din ang mass gatherings habang limitado lamang sa virtual masses ang lahat ng religious gatherings.

Ang curfew hours ay magsisimula ng 8:00PM hanggang 5:00AM.

Pinapayagan naming mag-operate araw-araw ang mga talipapa maging ang mga naitalagang satellite markets.

Habang limitado lamang sa take-out at delivery ang mga kainan o restaurants.

Image: flickr.com

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *