Tulay na magdurugtong sa historikong Bagatao Island at mainland Magallanes sisimulan na sa susunod na taon

SORSOGON CITY—Nakatakdang simulan sa susunod na taon ang tulay na magdurugtong sa isla ng Bagatao at mainland ng Magallanes sa lalawigan ng Sorsogon.

Layunin ng nasabing proyekto na matulungan ang  mga residente ng nasabing isla para sa mas mabilis at maayos na transportasyon.

Sa pahayag ni Gov Edwin Boboy Hamor, sinabi nito na ang nasabing proyekto ay naisakatuparan sa tulong nina Senator Chiz Escudero at 1st District Congresswoman Dette Escudero na kaagad nakahanap ng mapagkukunan ng pondo para masimulan na ang konstruksyon ng nasabing tulay sa susunod na taon.

Samantala, sa kasalukuyan ay inihahanda na ang isang resolution mula sa Sangguniang Bayan ng Magallanes na nagpapahayag ng kawalan ng pagtutol sa proyekto.

Mababatid na ang isla ng Bagatao ay tinatayang nasa 380 metro ang distansya mula sa bayan ng Magallanes at sakop nito ang mga barangay ng Behia at Biga.

Ang isla Bagatao ay kilala sa pagiging bahagi ng kasaysayan dahil dito nakatayo ang makasaysayang Luz de Isla Bagatao o Bagatao Island Lighthouse na isa sa 70 mga lighthouses na plinanong itayo ng mga Kastila ngunit naisakatuparan sa ilalim ng Bureau of Lighthouse Construction ng American Government noong 1903-1904.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *