Tulong sa mga apektado ng El Niño – tiniyak ni PBBM

Personal na bumaba si Pangulong Bongbong Marcos sa San Jose Occidental Mindoro para kumustahin ang kalagayan ng mga magsasaka na apektado ng El Niño.

Binisita rin ng Pangulo ang kanilang sakahan na nagkabitak bitak na dahil sa tindi ng init ng panahon.
Tiniyak ni Pangulong Marcos sa mga magsasaka ang tulong ng pamahalaan.

Maliban dito, pinangunahan rin ng Pangulo ang pamimigay ng iba’t ibang government assistance sa naturang bayan, at ang pagsasagawa ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair at Kadiwa ng Pangulo.

Magkakaroon rin ng situation briefing sa epekto ng El Niño at townhall consultation kasama ang mga farmers at fisherfolks sa nasabing lalawigan.

Kasama ng Pangulo ang mga lokal na opisyal at si Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr.

Nabatid na isa ang Occidental Mindoro sa mga lalawigan sa bansa na nag deklara ng state of calamity dahil sa pinsala na dulot ng El Niño.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *