Tuluyan ng pag-alis sa smartmatic machines sa susunod na halalan sa taong 2025 kinumpirma ng COMELEC- Naga

NAGA CITY –Tuluyan ng hindi gagamitin sa susunod na national and local elections sa taong 2025 ang mga PCOS machines ng Smartmatic Phil Inc.matapos na tuluyan ng i-disqualified ito sa bidding ng COMELEC head office.

Kinumpirma ito ni Naga City Comelec Officer Atty. Maico Julia Jr. sa kanyang panayam sa Brigada News Fm Naga. Ayon kay Julia, may bago ng gagamitin sa susunod na halalan at hindi na ang mga PCOS ng Smartmatic para tiyak na patuloy na mapapangalagaan ang integridad sa resulta ng halalan.

May mga PCOS machines anya na naging kuwestyonable ang resulta dahil pumalya ang mga ito sa oras ng bilanangan ng boto sabi ng abogado. Para sa kanila, mabuti na rin ang nangyari, dahil bagong bidders, bagong kompanya at may bago silang machines na gagamitin sa 2025 namtional and local elections.

Sa ngayon maghahanda na naman sina Julia sa mangyayaring voters registration na gagawain sa Pebrero 2024.        

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *