Uganda’s President, nilagdaan bilang batas ang Anti-gay bill

Inanunsyo ng Uganda na nilagdaaan ni Pangulong Yoweri Museveni bilang batas ang bagong hakbang laban sa homosexuality sa bansa.

Sa bagong bersyon ng Anti-Homosexuality Bill, maituturing na pagkakasala at mapaparusahan ng habambuhay na pagkakakulong ang pagsali ng mga residente nito sa engagement na may kinalaman sa homosexuality.

Sa hakbang na ito ng Uganda, nagparating ng panawagan si US President Joe Biden ng agarang pagpapawalang-bisa sa batas at inilarawan itong “a tragic violation of universal human rights” at nagbanta na babawasan ang tulong at pamumuhunan sa bansa.

Ilang grupo rin ang kumondena sa hakbang ng pamahalaaan dahil sa paniniwalang paglabag ito sa karapatan ng LGBTQ groups.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *