UK, planong alisin ang lahat ng COVID-19 restrictions sa July 19

Inanunsyo ni UK parliament Health Secretary Sajid Javid na desidido na ang British government na alisin ang lahat ng COVID-19 restrictions sa July 19 sa naturang bansa.

Sinabi ni Javid na wala na siyang nakikitang rason para palawigin pa ang mga restriksyon ng lampas sa July 19.

Iginiit ng opisyal na hindi na dapat nila hintayin pa na magkaroon ng zero risk sa COVID, at sa halip ay dapat matutunan ng mga tao kung paano mabuhay nang kasama ito dahil hindi ito basta-basta mawawala.

Nauunawaan naman ni Javid na nais rin ng mga tao at ng mga negosyo na maging panatag ang kanilang loob.

Dahil diyan ay sinabi ng health minister na nais niya na maging irreversible ang bawat hakbang na kanilang gagawin.

Dapat anya ay matuldukan na ang mga restriksyon sa mga kalayaan.

Ipinunto naman ni Javid na itinuturing niya ang July 19 hindi lamang bilang “end of the line” kungdi pati na rin ang simula ng panibagong journey para sa kanilang bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *