Zero risk sa COVID infection sa Tokyo games, hindi matitiyak ayon sa Olympic chief

Aminado ang Olympic chief ng Japan na wala itong paraan para matiyak ang zero COVID-19 cases mula sa mga national teams na magsisidatingan sa kanilang bansa para sa Tokyo Games.

Inihayag ito ni Japanese Olympic Committee presidente Yasuhiro Yamashita sa gitna ng paghahanda ng mga opisyal na higpitan ang mga screening procedures sa naturang bansa.

Sinabi ni Yamashita na mahalaga ang  istriktong measures sa mga airports, matapos magpositibo sa COVID-19 ang dalawang miyembro ng Uganda team noong nakaraang linggo kasunod ng kanilang pagdating sa Japan.

Iginiit ni Yamashite na kahit ano pang measures ang ipatupad nila ay hinding-hindi nila matititiyak na magkakaroon sila ng zero positive cases.

Ito anya ay kahit nakatanggap na ang mga atleta ng dalawang vaccine doses, dahil hindi naman nito matitiyak na sila ay magnenegatibo.

Matatandaan na sinabi ng opisyal ng Olympics na dapat ay mag-isolate kaagad ang mga kuponan na may mga miyembro na makikitaan na nagpositibo sa virus.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *