UK tiniyak na puno ng Briton at Afghans ang eroplanong umaalis sa Afghanistan

Tiniyak ng United Kingdom na walang eroplanong aalis sa Afghanistan nang hindi magdadala ng mga Briton at mga Afghans.

Sinabi ni UK Defense Secretart Ben Wallace na walang katotohanan ang mga report na ilang flights mula sa Kabul ang iilan lang ang sakay.

Ayon kay Wallace, mahalaga ang bawat oras kasabay ng pagkumpirmang pinapayagan pa ng Taliban na makalabas ang kanilang mga kababayan.

Sa ngayon, nasa 4,500 na US troops ang pansamantalang komokontrol sa Karzao International Airport habang mayroong 900 na British soldiers ang nagpapatrolya sa lugar para ma-secure ang mga evacuation flights.

Hindi naman pinapayagan ng Taliban na makapasok sa Kabul ang mga Afghans nang walang travel document .

Napag-alaman na base sa pahayag ng isang Taliban official, umabot na sa 12 tao ang napatay sa paligid ng Kabul airprot simula noong Linggo.

Ayon pa sa mga report, ilang individual na nagsisikap na makapasok ng airport ang sinaktan ng Taliban guards kahit na mayroong valid papers.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *