Bangkay ng mga na-trap sa gumuhong building sa Haiti, umaalingasaw na!

Problemado ang maraming residente ng Haiti partikular sa Les Cayes dahil umaalingasaw na ang masangsang na amoy na pinaniniwalaang mula sa mga namatay na na-trap sa isang apartment building.

Sa pahayag ng ilang rescuers at ng mga residente sa lugar, kalaban na nila ngayon ang amoy na nanggagaling sa mga gumugong gusali at mga bahay.

Ayon sa report natabunan ang 48 ma apartment sa lugar kaya pinaniniwalaang marami ang na-trap at nasawi.

Patuloy naman ang pagsisikap ng mga search and rescue team sa pagbabakasaling mayroon pang maisalbang buhay.

Gayunman, base sa report ng mga rescuers, puro bangkay ang kanilang nari-retrieve.

Matatandaan na ilang araw na ring nagsisikap ang mga rescuers na mayroon pang maisalba sa mga guho bunsod ng 7.2 magnitude na lindol.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *