Ultra-low freezer ng Sultan Kudarat PHO pasado na sa evaluation ng DOH 12

KORONADAL CITY- PINANGUNAHAN ni Department of Health o DOH 12 regional immunization program manager Dr. Edvir Jane Montañer ang inspection at evaluation ng bagong ultra-low freezer o ULF ng Sultan Kudarat Provincial Health Office o SKPHO.

Ayon kay Montañer na nakapasa ang ULF ng Sultan Kudarat sa final monitoring na kanilang isinagawa para sa operasyon ng -60 degrees to -80 degrees Centigrade na temperature cold storage para sa Pfizer vaccines.

Ang isang ULF ay may kapasidad na 32 trays kung saan ang isang tray ay kayang makapag-store ng 195 vials.

Sa ngayon, hinihintay na lamang ng SKPHO sang direktiba ng DOH sa paggamit ng naturang cold freezers.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *