P1.6M na koleksiyon ng SUKELCO sa Tacurong, nilimas umano ng guwardiya

KORONADAL CITY- PATULOY na pinaghahanap ng Tacurong City PNP ang guwardiya na itinuturong suspek at nasa likod ng pagnanakaw ng koleksiyon ng Sultan Kudarat Electric Cooperative o SUKELCO-1 sa lungsod ng Tacurong.

Sa panayam ng 95.7 Brigada News FM Koronadal kay PSSG. Elrey Dasmarinas, police investigator ng Tacurong City PNP, kinilala ang suspek sa krimen na si Ariel Bernadas Bernabe, nasa legal na edad, residente ng Kalawag 2, Isulan, Sultan Kudarat.

Ayon kay Darmarinas, pasado alas-8:00 ng gabi ng Enero 24 nang natuklasan ng pamunuan ng SUKELKO na nawawala na ang pera sa loob ng isang vault.

Umaabot umano sa P1, 611, 280. 59 ang perang nawala na koleksiyon ng kooperatiba.

Dagdag ng opisyal, na isang taon pa lamang na nagtatrabaho ang naturang suspek sa kooperatiba.

Nakita din umano sa CCTV ang ginawang pagnanakaw ng guwardiya kung saan isinilid nito sa isang bag ang pera bago tumakas sa hindi pa malamang direksiyon.

Sa ngayon, pinag-hahanap na ito ng mga otoridad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *