Umuusbong na Cycling Group sa Camarines Sur bukas sa mga kabataang nais natuto mag bisikleta at magkaroon ng magandang pangangatawan

CAMARINES SUR- Isinusulong ng grupo ng mga kabataang mahiling mag bisikleta  ang pagkakaroon ng magandang at malusog na pangangatawan, kaya naman welcome pa ang mga kabataang nais makilala ang cyling.

Kilala ang grupo sa pangalang Roa Cycling Team kung saan layunin nilang matulungan ang mga kabataang nais matuto at pasukin ang pagbibisikleta.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Flurean Ocfemia, presidente ng Roa Cycling Team Camarines Sur Chapter, sinabing sa bayan ng Camalig sa probinsya ng Albay nagsimula ang nasabing grupo at noong nakaraang taon lang nabuo dito sa Camarines Sur. Sa maikling panahon, nagkaroon agad ng 30 miyembro ang organisasyon at nakita niya na karamihan sa kanilang miyembro ay mas naging malusog ang pangagatawan.

Ipinakilala ang grupo sa pamamagitan ng isang outreach program sa mga bata noong Disyembre 22, 2023 na ginanap sa Canaman, Camarines Sur at muling magkakaroon ng kaparehong aktibidad ngayong araw, Enero 13, 2024 na gaganapin naman sa Bombon, Camarines Sur. Dagdag pa ni Ocfemia, bukas ang kanilang organisasyon sa mga nais matuto at pasukin ang pagbibisikleta, maging ang mga donasyon upang maipagpatuloy ang mga susunod na outreach programs.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *