UN Special Rapporteur, nais humarap sa SC sa re: Kalayaan, karapatan ng mamamahayag

Nais humarap sa Korte Suprema ni UN Special Rapporteur Irene Khan upang magkapagbahagi ng mga nalalaman sa hukuman.

Ayon kay Dean Rodel  Taton, nais ng UN Special Rapporteur na maimbitahan ng Korte Suprema bilang amicus curiae o friend of the court.

Nilinaw ni Taton, na hindi nais UN Special Rapporteur ng magsalita pabor o kontra sa kaso ng mamamahayag na si Maria Ressa.

Sa halip, layon aniya ng hiling ni Khan na maibahagi ang pananaw nito sa kanyang nalalaman bilang eksperto na itinalaga ng United Nations Human Rights Council  para makapagbigay ng rekomendasyon upang mapagbuti ang pangangalaga at pagsusulong sa karapatan sa pamamahayag sa bansa.

Nababahala umano ang eksperto ng UN na kulang ang batas ng Pilipinas para proteksyunan ang karapatan sa pamamahayag sa ilalim ng International Covenant on Civil and Political Rights kung saan kasama sa pumirma ang Pilipinas. //CA, edited MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *