UP nakuha ang solo lead sa UAAP men’s basketball

Nakuha ng University of the Philippines ang solo spot matapos talunin ang National University Bulldogs 75-63 sa second round ng UAAP season 85.

Ang panalo ng fighting maroons ay tila resbak nila sa Bulldogs na nagpatikim sa kanila ng kaisa-isang talo sa round 1 ng liga.

Hawak ngayon ng UP ang 7-1 win-loss record kasunod ng fourth winning streak habang ang NU ay bumagsak sa 5-3 standing.

Bumida sa UP si Zavier Lucero at Cyril Gonzales na kapwa nagtala ng 15 points.

Habang si Carl Tamayo na nagpakawala ng dalawang cluth jumpers sa huling tatlong minuto ng laro ang nagselyo sa panalo ng UP.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *