1,370 bagong kaso ng COVID-19 naitala ng DOH

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 1,370 bagong kaso ng COVID-19, dahilan para tumaas ang kabuuang nationwide caseload sa 4,003,459.

Ito ang ikalawang sunod na araw na mas kaunti sa 1,500 na bagong kaso ang naitala, matapos ang 1,391 na impeksyon na naitatala noong Sabado.

Batay sa pinakahuling datos ng DOH, bumaba ang active cases sa bansa sa 20,824 mula sa 21,176 noong Sabado.

Ito ang ikalabindalawang sunod na araw na may mas kaunti sa 25,000 aktibong impeksyon.

Umakyat sa 3,918,602 ang bilang ng mga naka-recover habang 38 naman ang nasawi.

Ayon sa DOH, ang mga rehiyon na may pinakamaraming kaso sa nakalipas na dalawang linggo ay ang National Capital Region na may 5,401 na sinundan ng Calabarzon na may 3,307 at Central Luzon na may 1,935.

Sinabi rin ng DOH na 24.1% ang bed occupancy sa bansa, kung saan 6,783 beds ang okupado, habang 21,367 ang bakante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *