Upos ng sigarilyo, isa sa tinitingnan anggulo sa sunog sa parking lot ng NAIA Terminal 3

Cigarette butt o upos ng sigarilyo ang isa sa tinitingnan anggulo ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa pinagsimulan ng sunog sa parking lot ng NAIA Terminal 3 kahapon ng hapon.

Ayon kay BFP-Pasay City, Chief Public Information Unit, SFO1 Rezmond Germino, nagpapatuloy ang isinasagawa nilang imbestigasyon upang makakuha ng matibay na ebidensiya sa pinagmulan ng sunog na tumupok sa halos 20 sasakyan na nakapark dito.

Natanggap ng BFP ang fire call dakong 1:35 ng hapon at idineklarang fireout alas-2:03 o halos tatlompung minuto.

May mga inimbitahan nang testigo upang mainterview ng kanilang arson investigator.

Sa record ng BFP, walang naitalang injuries o casualties sa nangyaring insidente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *