US bubuksan na sa mga biyahero mula United Kingdom at European Union

Muli nang bubuksan ng America ang kanilang bansa sa mga biyahero mula sa United Kingdom, at European Union at iba pang bansa.

Ayon sa report, nakatakdang alisin ng US ang travel restriction simula sa Nobyembre.

Gayunman, nilinaw ng America na papayagan lamang na makapasok sa kanila ang mga fully vaccinated na indibidwal habang required pa rin silang sumailalim sa testing at contact tracing.

Ang nasabing hakbang ay bilang pagbibigay-daan sa deman mula sa European allies ng America.

Sinabi ni White House COVID-19 coordinator Jeff Zients na ang nasabing patakaran ay individual-based at hindi country-based approach.

Matatandaan na nagpatupad ng restrictions ang America sa mga biyahe mula sa China noong 2020 at na-extend ito sa iba pang mga bansa na matinding tinamaan ng COVID-19.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *