Kambal sa Japan hinirang bilang ‘oldest identical twins’ ng Guinness World Records

Sertipikado na ng Guinness World Records na pinakamatandang nabubuhay na identical twins ang 107 year old na kambal sa Japan.

Sina Umeno Sumiyama at Kourme Kodama ang nakatalo sa record ng kapwa Japanese twins na sina Kin Narita at Gin Kanie.

Ang kambal na sina Umeno at Kourme na kapwa tinukoy na mga sociable people at ipinanganak noong November 5, 1913

Kasalukuyang nakatira sa magkahiwalay na home care ang kambal pero dahil sa COVID-19 pandemic ay ipinadala na lamang sa kanila ang kanilang certificates.

Si Umeno ay mayroong apat na anak habang si Kourme naman ay mayroong tatlo.

Base sa record, sina Umeno at Kourme ay 107 taon at 300 araw nang nabubuhay mula nang makuha ang award habang ang mga tinalo nilang kambal na sina Kim at Gin ay 107 taon at 108 days bago sumakabilang-buhay ang isa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *