International

US, China top diplomats nagpulong para mapigilan ang mataas na tensyon sa Taiwan

Nagpulong ang mga top diplomats ng US at China sa New York sa harap na ang tumataas na tensyon ay may mga senyales na ng pagluluwag, pero naglabas ng bagong babala ang Beijing laban sa pagsuporta sa Taiwan.

Nagkamayan pa sina Secretary of State Antony Blinken at Chinese Foreign Minister Wang Yi pero napalitan lang ng ngiti sa harap ng cameras, bago umupo kasama ang mga aides sa sidelines ng annual United Nations summit.

Ito ang kanilang unang pagkikita simula nang isagawa ang extensive talks noong Hunyo sa Bali, kung saan ang parehong panig ay positibo para sa mas malakas na stability.

Bilang senyales naman ng mas magandang ugnayan, nakipagpulong din si Wang sa New York kay US climate envoy John Kerry, sa kabila ng anunsyo ng China matapos ang pagbisita ni House Speaker Nancy Pelosi sa Taiwan, na pinuputol na umano nila ang kooperasyon kaugnay sa issue, na key priority para kay US Pres. Joe Biden.

Samantala, matapos makausap si Wang, nakipagpulong naman si Blinken sa kanyang counterparts mula sa Australia, Japan at India, o ang tinatawag na “Quad” na una nang tinawag ng Beijing bilang tangka na pag-isolate sa kanila.

RELATED STORIES:

China, binigyan ng sanctions si Pelosi matapos ang Taiwan visit

White House, umaasang huhupa ang tensyon matapos ang Taiwan visit ni Pelosi

BNFM Makati

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

13 hours ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

13 hours ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

13 hours ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

13 hours ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

13 hours ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

14 hours ago