US Defense official isinisi kay Trump ang Taliban takeover sa Afghanistan

Itinuro ng top US Defense officials ang kasunduan sa pagitan ng Taliban at ng Trump administration na siyang naging hudyat ng pag-takeover ng Taliban sa Afghanistan.

Sinabi ni General Frank McKenzie na malaki ang naging “pernicious effect” sa Afghan government at military ang tinawag na Doha agreement na nilagdaan noong Pebrero 2020 na nagtakda din ng pag-withdraw ng America sa tropa nito.

Sinang-ayunan naman ito ni Defense Secretary Lloyd Austin na nagsabing naging mas malakas ang Taliban mula sa nasabing kasunduan.

Nakasaad din sa Doha agreement ang malaking obligasyon ng Taliban para mapigilan ang mga grupo tulad ng al-Qaeda sa banta nito sa seguridad ng US at ng mga kaalyado nito.

Matatandaan na noong nahalal sa puwesto si US President Joe Biden ay na-extend ang pag-recall sa US troops mula sa original na Mayo patungo sa August 31.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *