US Gov’t, nanghihingi ng dokumento sa dating COMELEC Chief Andy Bautista

Hinihingi ng United States government sa Commission on Elections (COMELEC) ang mga dokumento ng dating COMELEC Chief na si Andy Baustista na ngayon ay nahaharap sa kasong money-laundering at bribery sa America.

Ayon kay COMELEC Chairman George Garcia, nakikipag-ugnayan ngayon ang gobyerno ng US hinggil sa nasabing kaso.

Sabi ni Garcia, na ibinigay na ng komisyon ang lahat ng hinihiling ng US upang maging transparent at harapin ang katotohanan.

Bagama’t humiling ang US government ng ilang testimonya at dokumento, sinabi ni Garcia na hindi sila naabisuhan tungkol sa background ng reklamo laban sa dating chairman.

Umapela naman si Garcia sa gobyerno ng US na magbigay ang mga ito ng impormasyon sa kasong isinampa umano laban kay Bautista para na rin sa kaalaman ng kanilang tanggapan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *