South Korea tatalakayin ang mga isyu sa WPS sa maritime dialogue

Tatalakayin ng Pilipinas at South Korea ang mga isyu sa West Philippine Sea sa isang maritime dialogue na nakatakda sa susunod na linggo.

Ayon kay South Korean Ambassador to the Philippines Lee Sang-Hwa ang ikalawang bugso ng maritime dialogue ay sisentro sa mga isyu sa WPS at South China Sea.

Ito ay dahil sa sunod-sunod na mga isyu sa West Philippine Sea katulad ng pambobomba ng water cannon ng China at ang paglalagay ng floating barrier sa Scarborough Shoal.

Tiniyak naman ni Lee na patuloy silang makikipag-uganyan sa bansa upang maprotektahan ang maritime ecosystem at matiyak ang kaligtasan ng karagatan ng Pilipinas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *