US hinimok ang Iran na bumalik sa historic nuclear deal

Hinikayat ng America si bagong Iran President Ebrahim Raisi para bumalik sa usapan kaugnay sa pag-revive ng historic nuclear deal.

Kasabay nito ay nagbabala ang tagapagsalita ng US State Department na hindi magiging panghabang-buhay na bukas ang pintuan ng diplomacy para sa Iran.

Una nangako ang bagong upong pangulo ng Iran na susuportahan niya ang diplomatic plant para matuldukan ang sanctions sa Iran na ipinataw noong panahon ni dating US President Donald Trump.

Sinabi nitong lahat ng iligal na sanctions ng US laban sa Iran ay dapat nang maalis. Matatandaan na inakusahan ng Western countries ang Iran na gumagawa ng nuclear weapons na una nang itinanggi ng Tehran.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *