Nagsimula nang higpitan ang mga border control point papasok sa probinsya ng Zambales.
Ito ay kasabay sa pagsasailalim sa enhanced community quarantine sa Metro Manila at iba pang lugar sa bansa.
Isang araw bago ang lockdown sa kamaynilaan, balik checkpoint na din ang mga pulis at mga representante ng Provincial Government para tiyaking hindi makakapasok ang mga hindi residente at Authorized Person Outside Residence.
Bagamat nasa ilalim ng Modified General Community Quarantine ang Zambales, hindi papayagang pumasok ang mga walang proof of residency, proof of employment at maging ang mga hindi essential travels.//Christian Andres-BNFM OLONGAPO