US, magdagdag ng mga Multilateral patrols sa South China Sea

Plano ng Estados Unidos na magdagdag ng mas maraming multilateral patrols kasama ang Pilipinas at iba pang kaalyadong bansa sa South China Sea.

Ayon kay Deputy Assistant Secretary of US Defense for South at Southeast Asia Linsey Ford, layunin nito na palakasin ang maritime defense.

Sabi ni Deputy Assistant Sec. for Multilateral Affairs Jung Pak na suportado ng US State Department ang Pilipinas para igiit ang sovereign rights sa South China Sea.

Nangako naman si US Coast Guard Vice Admiral Andrew Tiongson na ipagpapatuloy nila ang pagtulong sa Pilipinas na makapagtayo ng maritime capacity para hadlangan at idepensa ang sovereign rights nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *