Makabayan Bloc, babantayan ang mga ipapasok na amendments sa 2024 proposed national budget

Tiniyak ng mga miyembro ng Makabayan Bloc sa Kamara na tututukan nito ang mga ipapasok na amiyenda sa 2024 General Appropriations Bill.

Ayon sa minority lawmakers, bubusisiin nila kung magkakaroon ng realignment ng confidential funds lalo na ang naunang alokasyon para sa Office of the Vice President.

Iginiit ni Kabataan Party-list Representative Raoul Manuel na nananatiling salita lamang ang paglilipat ng confidential funds ng OVP at Department of Education sa mga ahensyang magtatanggol sa West Philippine Sea dahil wala pa naman sa GAB ang aktwal na amendments na nakalap ng binuong “small committee”.

Inihayag din ni Gabriela Representative Arlene Brosas na pagtutuunan nila ng pansin sa amendments ang pag-redirect ng pondo sa social services, mga programang susugpo sa kahirapan at edukasyon.

Binuweltahan naman ni House Deputy Minority Leader France Castro ang House leadership at ipinunto na ilegal ang pagbabago sa proposed budget kapag naaprubahan na sa ikatlo at huling pagbasa.

Nakasaad aniya sa probisyon ng Saligang Batas na hindi na maaaring maglagay ng amendments kaya naman pinaninindigan nila na hindi inklusibo at hindi rin transparent ang naging proseso.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *