US Senator Duckworth—idiniin ang suporta sa freedom of navigation kasabay ng pagkilala sa Pilipinas bilang ka-alyado sa Indo-Pacific region

Matagumpay ang naging pagkikita nina Senate President Juan Miguel “Migz” Zubiri at
United States Senator Tammy Duckworth sa pagpapalawig ng economic cooperation sa pagitan ng Pilipinas at US.

Sa nasabing pagkikita, nagkasundo ang dalawa na gamiting potential avenue ang green industries sa pagpapatupad ng global sustainable development.

Samantala, nagpakita naman ng buong suporta si Duckworth para sa “freedom of navigation” at kinilala rin nito ang ating bansa bilang pinakamahaba nilang treaty ally sa Indo-pacific region.

Kung maalala, ayon sa United Nations Industrials Development Organization (INDO), makatutulong ang pagpapatupad ng green industry sa pagkakaroon ng mas sustainable na economic growth sa pamamagitan ng green public investments at pagpapatupad ng mga public policy para sa isang mas environmentally na private investments.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *