Jesse Robredo Day, ‘di aprub kay PBBM

Itinanggi ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ang hiling ng alkalde ng Naga City na si Mayor Nelson Legacion na ideklarang non-working holiday ang death anniversary ni Jesse Robredo.

Ayon kay Deputy Executive Secretary for Legal Affairs Anna Liza Logan, mayroon nang Republic Act No. 10669 kung saan nagdeklara tuwing Agosto 18 bilang isang special working holiday o “Jesse Robredo Day.”

Nakapaloob sa batas na idaraos ng mga elementary at secondary schools ang araw para alalahanin ang legacy ni Robredo.

Mababatid na ang dating Kalihim at mayor ng Naga City ay asawa ni dating Vice-President Leni Robredo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *