Utilization rate ng Camarines Norte para sa dedicated COVID- 19 beds 38 % ang nagagamit

CAMARINES NORTE- Inihayag ng Department of Health (DOH) na 41 sa 124 na dedicated beds for COVID- 19 o 38 % ang nagamit sa lalawigan ng Camarines Norte batay sa health care utilization rate as of August 4, 2021.

Sa daily COVID- 19 Region wide Ulat sa Bayan, nitong Huwebes inihayag din ng departamento na nasa 39 % ang nagamit sa isolation bed gayundin sa Covid- ward beds.

Nakapagtala naman ng 30 % utilization rate sa ICU beds habang walang naitalang pagamit sa mechanical ventilators.

Sa buong rehiyon, 297 ang nagamit sa 1, 112  Covid- 19 dedicated beds o katumbas ng  29 % utilization rate.

Sa isolation bed ay 29 % ang nagamit  habang 26 % naman sa Covid wards.

Samantala, pagdating naman sa vaccination rollout ay tuloy- tuloy ang lalawigan ng Camarines Norte dahil sa bagong dumating na bakuna.

Sa 70, 793 doses na natanggap nasa 66 % na ang naiturok para sa first dose habang 40 % naman sa second dose.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *