Division kick off ng Brigada Eskwela gagawin sa ikatlong linggo nitong buwan

CAMARINES NORTE- Isasagawa sa August 17  ang 2021 Brigada Eskwela Division kick off sa ganap na alas 9 ng umaga sa pamamagitan ng DepEd Camarines Norte facebook page.

Batay sa Division Memorandum na ipinalabas ni Schools Division Superintendent Nympa Guemo  layon ng aktibidad na i- promote ang ligtas na pamumuhay at matugunan ang iba’t- ibang social issues at concerns sa eskwelahan, tahanan at komunidad.

Layon din nitong makahikayat ng mga katuwang sa pag- promote ng literacy and numeracy sa pamamagitan ng programang Brigada Pagbasa.

Ang mga kalahok sa aktibidad ay ang mga kawani ng Division Office, heads ng mga pampublikong elementarya at sekundarya, Brigada Eskwela Coordinators, guro at education partners.

Tema ng Brigada Eskwela ngayong taon ay “Bayanihan para sa Paaralan” na nagsimula noong August 3 at tatagal hanggang sa September 30, 2021.

Ito ay upang palakasin ang partnership engagements na akma sa pagsisikap ng Department of Education na tiyakin ang de kalidad na basic education sa gitna ng COVID- 19 pandemic.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *