Validation ng datos hinggil sa mga inilikas mula sa 6km permanent danger zone ng Bulkang Mayon, on-going pa rin – APSEMO

LEGAZPI CITY – Nilinaw ng Albay Public Safety and Emergency Management Office (APSEMO) na nagpapatuloy pa rin nag pagva-validate ng kanilang nakukuhang datos hinggil sa populasyon ng mga nailikas na sa relocation site mula sa 6km permanent danger zone ng Bulkang Mayon.

Sinabi ni APSEMO Head Dr. Cedric Daep sa Brigada News FM, nag-u-update na sila sa datos mula sa mga barangay officials ng mga apektadong lugar.

Dagdag pa nito, dapat sa unang linggo ng buwan ng Setyembre ay mayroon nang draft report para sa validation dahil minsan nagkakaroon din ng error pagdating sa mga datos na nakukuha.

Samantala, ipinahayag din ng opisyal na kinakailangang magkaroon ng karagdagang asistensiya dahil marami nang populasyon ang nai-relocate ngunit wala naman silang kabuhayan kaya kinakailangan silang masuportahan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *