Vhong Navarro – wi-nelcome ang conviction laban kina Cornejo, at iba pa

Wi-nelcome ng actor-host na si Vhong Navarro ang naging desisyon ng Taguig Regional Trial Court na hatulan na sina Cedric Lee, Deniece Cornejo at dalawang iba pa para sa serious illegal detention na inihain nito laban sa kanila.

Ayon sa abogado ni Navarro na si Atty. Alma Mallonga, ipinag-utos ng korte ang agad na pagkakaaresto kina Lee at Cornejo.

Sa noon time show nito, nagpahayag ng kanyang pasasalamat Panginoon maging sa mga judge at court staff ng RTC Taguig Branch 153.

Maliban dito, ilan pa sa pinasalamatan ng aktor ay ang kaniyang pamilya, mga kaibigan, at management.

Kaninag umaga, pinatawan ng parusang reclusion perpetua o habang-buhay na pagkabilanggo ang apat matapos hatulang guilty beyond unreasonable doubt. (IT’S SHOWTIME SCREENGRAB)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *