Pag-aresto sa ‘Mayo Uno 6’ – kinundena ng ilang grupo

Kinondena ng Kabataan Partylist ang umano’y ilegal at marahas na pag-aresto sa mga kabataan na nakiisa sa protesta sa harap ng US Embassy.

Kasabay nito ay nanawagan ang partido para sa agad na pagpapalaya sa mga dinakip na protesters.

Hindi umano dapat sampahan ang mga ito ng ‘gawa-gawang’ kaso na naglalayong manggipit lang.

Nanindigan ang Kabataan Party-list na walang dahilan para manatili at patagalin pa sa kustodiya ng PNP ang mga miyembro ng ‘Mayo Uno 6.’

Mababatid na pinaglalaban ng mga kabataang ito ang nakabubuhay na sahod, at pagkontra sa pananamantala ng malalaking dayuhang negosyo.

Nato Reyes: ‘No permit, no rally policy’ – dapat nang ibasura

Nanindigan naman si Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN) President Renato Reyes na dapat nang ibasura ang ‘No permit, no rally policy’ sa Pilipinas.

Ayon kay Reyes, walang batayan ang naturang polisiya sa Konstitusyon.

Iginiit din nito na kalokohan yung hahanapan ng permit ang mga nagpoprotesta.

Samantala, una nang tiniyak ni Manila Police District Director PBGen. Arnold Thomas Ibay na legal ang pagkakaaresto sa anim na nag-kilos-protesta sa harap ng US Embassy.

Nanindigan din ito na hindi naging marahas ang kanilang hanay nang isagawa ang pag-aresto.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *