Volcanic earthquake, naitala sa Bulkang Mayon kahapon

LEGAZPI CITY – Isang volcanic earthquake ang naitala sa Bulkang Mayon sa lalawigan ng Albay, kahapon, September 29, 2022 batay sa anunsiyo kahapon ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).

Sa tala ng PHIVOLCS, nagkaroon din ng mahinang banaag o crater glow ang bulkan na naaninag lamang sa telescope.

Dagdag pa rito, mayroon ding katamtamang pagsingaw na may 100 metrong taas na napadpad sa gawing silangan at may bahagyang pamamaga.

Batay naman sa pinakahuling anunsiyo ng PHIVOLCS tungkol sa Mayon ngayong araw, wala nang naitalang volcanic earthquake sa nasabing bulkan.

Samantala, nasa alert level 1 pa rin ang nasabing bulkan, ngunit paalala pa rin ng PHIVOLCS na iwasan ang pagpasok sa anim na kilometrong danger zone nito at ang paglipad ng anumang aircraft malapit sa tuktok ng Mayon upang maiwasan ang anumang panganib mula rito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *