Babae sa Thailand, 4 na dekada nang hindi kumakain at tanging tubig lamang ang iniinom

HINAHANGAAN ng mga residente sa bansang Vietnam, ang isang 63-ayos na babae na ayon sa ulat ay apat na dekada nang hindi kumakain at tanging tubig lamang ang iniinom.

Batay sa report, 41-years nang hindi kumakain ng solid food ang babaeng kilala sa tawag na Ms. Ngon mula sa bayan ng Tan Trach, Long An province ng nasabing bansa.

Kwento ni Ms. Ngon, nagsimula ang kakaiba niyang diet nang siya ay 21-years old pa lamang matapos na ma diagnose ng sakit sa dugo.

Dahil sa takot na pumanaw sa murang edad dahil sakanyang sakit, minabuti nitong sundin ang habilin sakanya ng isang manggagamot na huwag nang kumain at uminom na lamang ng tubig na may asin, asukal at lemon juice.

Magmula noon, bumuti na ang kalagayan ni Ms. Ngon, mas lumakas, mas sumigla ang katawan at ngayo’y isang acupuncturist, isang health advocate at yoga teacher.

Ganunpaman, hindi niya hinihikayat ang iba na gawin din ang kanyang diet sapagkat naniniwala siyang himala ang nangyari sakanya at maaari itong ikasama ng ibang gagaya lalo na kung hindi naman ito nakasanayan.### JDR, BNFM Bicol

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *