Voters’ registration para sa Midterm elections – maaring mahinto

Nanganganib na matigil ang Commission on Election o COMELEC Registration para sa nalalapit na midterm election sakaling mauwi sa plebisito ang mga ikinakasang signature campaign.

Sa panayam ng Brigada News FM Manila kay Comelec, Spokesperson Atty. John Rex Laudiangco, sinabi nito na sakaling magtagumpay ang mga nagsasagawa ng Peoples Initiative na makompleto ang 12% na mga pirma ng kabuuang botante sa bansa at makapagsumite ng petisyon ay uusad na ito sa verification.

Ayon kay Atty. Laudiangco, kung sakaling kakayaning matapos ang verification sa loob ng 100 days ay maaring magtuloy ang registration ngunit kung kakapusin sa oras ay hindi pa rin ito papayagan ng batas.

Kung maalala, sa darating na Feb. 12 ay mag uumpisa na angvoters registration at tatagal hanggang Sep. 30 ng kasalukuyang taon.

Una rito, binalaan ni DILG Sec. Benhur Abalos ang mga barangay at iba pang public officials na makikilahok sa signature campaign para amyendahan ang 1987 Konstitusyon na papatawan ng kaukulang parusa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *